Mabuhay Pilipinas!!!

Listahan ng Aking Blogs

Sunday, May 31, 2009

Ang Lamok

Kagabi,hindi ako makatulog.

Nakatingin ako sa kisame habang nagmumuni muni. Hindi nagtagal may lumapit sa akin na lamok at nagtatangka na kagatin ako.

Kinuha ko yung aking mosquito trap(pamatay lamok) pero hindi ko pa nagagamit eh bumigay na ang baterya. Nalowbat. Kaya ang lamok,hayun, malayang lumipad lipad. Umikot ikot. Nariyang dumapo sa mukha, braso, at binti ko. MAinit kasi kaya hindi ako nagkumot. Yung kulambo naman, nakabalot lang sa paa ko. Hehe..

Balik sa lamok,

Tinitingnan ko siya, hindi ko pa kasi pinapatay yung ilaw. Andun lang siya at umaali-aligid sa akin. Hinayaan ko lang. Hindi naman kasi niya ako kinakagat.

Hanggang sa patayin ko ang ilaw. Ang pesteng lamok, kinagat ako sa leeg!!!

Ang sakit pa naman.

Hinampas ko, hindi tinamaan. Binuksan ko ang ilaw, hayun, muli umaligid siya sa aking harapan.

At hinayaan ko lang ulit siya. Hanggang sa nabaon na ako sa malalim na pag-iisip.

Naisip ko na ang lamok, parang tao lang din. Kapag bukas ang ilaw, nariyan sa iyong harapan. Nagbabantay, aaligid. Pero kapag pinatay na ang ilaw,doon sasalakay. Unti unting sisipsipin ang iyong dugo. HAngga't hindi satisfied, magpapabalik balik. At kapag nakuha na ang gusto, kapag busog na. Iiwanan ka na.

Sa tao kasi, hangga't nasa rurok ka ng tagumpay, maraming nakapaligid sa'yo. Mga tao na masasabi nating "gold digger".

Syempre hindi naman lahat. pero kung iisipin, karamihan..Diba?

Hay naku, pesteng lamok, dahil sa kanya kung anu ano ang naiisip ko.

Geh, pretty jessie.. signing off.

2 Reactions:

Vivian June 1, 2009 at 6:01 PM  

swerte naman ni lamok, nakuha ang pansin mo :)

Arines June 6, 2009 at 10:29 AM  

ora mudeng aku coy

My Stuffs









Get a playlist! Standalone player Get Ringtones



  © Blogger template 'Ultimatum' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP