Long Distance Relationship
Sa paglilibot ko sa cyberworld, napadpad ako sa isang site na may tanong na "Does DISTANCE really makes the heart grow APART?"
Well, based on my own experience, masasabi kong hindi lahat ng couple na long distance relationship and drama eh nagbabago ang nararamdaman para sa isa't isa. Lalo na kung talagang nagmamahalan kayo at may tiwala sa isa't isa,ang distance ay hindi magiging hadlang.
Just like my story. Share ko na huh..(heheh)
After ng first semester, syempre sem break na, saktong naging kami ni bf ko. Sa kasamaang palad, hindi natuloy ang pag-aaral ko ng second sem dahil nagkaroon ng problema. Ang ending? Ayun, magkahiwalay kami ng mahigit pitong buwan. Cellphone lang ang naging ugnayan naming dalawa. Minsan sa isang buwan kung magkita kami, pag sinuswerte, nagiging twice at thrice naman. Pero madalang yun.
Niloloko na nga kami ng mga kaibigan ko, sa sistema daw kasi naming dalawa, parang hindi na kami magboyfriend, parang textmate na nga lang daw kami, Syempre, ang mga ganung biro nila eh tinatawanan ko na lang.
Yung iba ko namang kaibigan, sinasabi na," Hay naku Jecka, wag kang umasang ikaw lang ang babae niya, walang matinong lalaki sa mundo. lalo na at magkahiwalay kayo".
Syempre, nasasaktan din ako pag sinasabi nila yung ganun, pero anung magagawa ko? Eh sa magkalayo nga kami eh. Alangan namang kumuha ko ng detective para lang mapatunayan ang loyalty niya sakin. Di naman ako ganun.
sa sobrang tagal namin magkahiwalay, syempre di ko maiwasan na hindi magduda. Di ko maiwasan na isiping baka meron na siyang iba. Na hindi naman pala totoo, lahat ng yun puro hinala lang. Napatunayan ko kasi na tapat talaga siya. Ang sama ko nga dahil minsan, pinagdudahan ko ang fidelity niya.
Pero heto, nakasurvive naman kami. Going strong ang relationship. Parehas kaming masaya at sabay na bumubuo ng pangarap para sa hinaharap,syempre ng magkasama.
Mainam din pala yung minsan,maranasan nyong magkahiwalay para magamit naman yung salitang,"MISS NA KITA...SOBRAAA".

4 Reactions:
what is your answer? Its depend i think. YES! hehe
www.pink-precious.com
absence makes d heart fonder, naks!
kunsabagay nasa tao lang nman tlga nian tulad niyo,hndi gaanong nging mahirap ang long dstance na relasyon niyo...
kaiinggit naman,hehe
*grow fonder*
hehe hinabol
correct ka dyan gayyem,, no trust, no love... no matter how far apart you are, if your love is that strong no worries. in short, distance wouldn't be an issue.
Post a Comment